Babae huli sa P100K shabu 

Babae huli sa P100K shabu 

December 6, 2022 @ 3:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang 49-anyos na babae nang makuhanan ng lampas P100,000 shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Dinakip si Maricel Castro Cabinian, ng Barangay 176, ng lungsod, alas-6:05 ng umaga nitong Linggo, Disyembre 4 sa kanyang bahay nang paiskorin ng shabu ang isang undercover.

Nasamsam sa suspek ang tatlong medium na selyadong sachet na naglalaman ng umano’y shabu na may presyong P102, 000 at buy-bust money.

Haharap si Cabinian sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Merly Iral