Babae ipit sa gumuhong gusali

Babae ipit sa gumuhong gusali

December 4, 2022 @ 2:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang babae ang naipit ng mga piraso ng gumuhong apat na palapag na gusali sa Malabon City Linggo ng umaga, Disyembre 4.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktima na si Ronalyn Tumbocon, nasa hustong gulang, na habang isinusulat ito ay inililigtas ng mga kawani ng BFP at iba pang rescuers.

Nabatid sa Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na gumuho ang nasabing residential building sa Orchid St., Barangay Longos, ng lungsod, 6:30 a.m. ng Linggo at dalawang pamilya ang kaagad naapektuhan.

Inatasan na din umano ng ng DRRMO ng lungsod ang mga residente malapit sa gumuhong gusali sa pansamantalang lisanin ang kanilang mga bahay.

Dagdag pa ng DRRMO, may posibilidad na gumuho ang nasabing gusali dahil mahina ang pundasyon nito, gayunpaman, patuloy umano ang magiging imbestigasyon sa nasabing insidente. Merly Iral