Babae, kulong sa pagbutas sa condom ng boypren

Babae, kulong sa pagbutas sa condom ng boypren

May 7, 2022 @ 10:37 AM 3 weeks ago


GERMANY – Hinatulan ng anim na buwang pagkabilanggo ang isang babae makaraang mapatunayang binubutas nito ang condom ng kanyang boypren para lamang mabuntis at magkaanak siya.

Parehong hindi pinangalanan ng korte ang biktima at ang akusado ngunit itinuturing ang kaso na makasaysayan sa bansang Germany.

Ayon kay Judge Astrid Salewsky, ng regional court ng Bielefeld, unang idinemanda ng lalaki ang babae ng rape ngunit nauwi ang kaso sa sexual assault sa anyo ng “stealthing.”

Stealthing ang tawag sa paghugot ng lalaki ng kanyang condom nang palihim habang nakikipag-sex at ang pagbutas naman ng babae sa kasong nabanggit ay isa ring anyo ng stealthing.

Nagdemanda ang lalaki nang sabihan siya ng babae na buntis siya at amining binubutas niya ang condom nang palihim tuwing nagtatalik sila.

Naging magkasintahan ang dalawa simula noong 2021 at mula noon, regular na silang nagkikita at nagtatalik ngunit nagkakasundo na gumamit lagi ang lalaki ng condom ngunit sadyang binalewala ng babae sa kalaunan para lamang siya magbuntis. RNT