Babae patay sa pamamaril

Babae patay sa pamamaril

March 3, 2023 @ 10:20 AM 4 weeks ago


CANDELARIA, Quezon- Sabog ang bungo ng isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Eva Magtibay Quirante, 56-anyos, taga Brgy. San Isidro, Candelaria, Quezon.

Batay sa report ng Quezon Police Provincial Office, kasama ng biktima ang kanyang asawa na si Jaime Deviles Quirante, 58-anyos, at ilang metro lamang ang pagitan nila nang makarinig ng mga putok ng baril ang huli.

Dito, agad na tinungo ng mister ang pinagmulan ng mga putok ng baril at bumulaga sa kanyang harapan ang naliligo sa sariling dugo na misis at wala ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ng mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agarang ikadarakip. Mary Anne Sapico