Babae patay sa selos ng kinakasama

Babae patay sa selos ng kinakasama

November 17, 2022 @ 12:22 PM 3 weeks ago


ALLACAPAN, Cagayan- Minsan pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos matapos pagsasaksakin patay ang isang babae ng kanyang live-in partner noong Lunes, Nobyembre 14 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Carissa Almazan, 25-anyos ng Brgy. Binubongan, Allacapan habang tugis naman ng pulisya ang suspek at kinakasama nitong si Nelson Villacillo, 31-anyos, residente ng Brgy. Pateng, Gonzaga.

Ayon kay CAPT Joel Labasan, hepe ng Allacapan Police Station, dakong 11:30 ng gabi nang naganap ang krimen sa bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen umuwi sa kanyang mga magulang ang biktima at gusto na nitong makipaghiwalay sa suspek dahil hindi na niya ang pananakit.

Subalit, naengganyo ito ng suspek na makipag-balikan para sa binyag at 1-taon kaarawan ng kanilang anak na babae.

Matapos ang selebrasyon nalasing ang suspek at inaway nito ang biktima hanggang sa kumuha ng patalim na may 6 na pulgada ang haba at pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas.

Sa kabila ng mga tama sa katawan nagawa pang gumapang ang biktima palabas ng bahay at humingi ng tulong sa kanyang mga magulang at bago lagutan ng hininga nabanggit pa niyang sinaksak siya ni Villacillo.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang na nahaharap sa kasong pagpatay. Mary Anne Sapico