Babae patay sa wing van

Babae patay sa wing van

May 15, 2022 @ 9:50 AM 1 week ago


COMPOSTELA, Cebu- Patay ang isang babaeng rider matapos mahagip ng rumaragasang wing van, Sabado, sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Elvie Tinojon, 25-anyos, production worker at residente sa Villa Angelina Barangay Sabang, Danao.

Nasa kustodiya naman ng Compostela-PNP suspek at driver ng wing van na kinilalang si Salundro Gulisao, 43, taga San Remigio, Cebu.

Batay sa report ng Compostela Police Station, naganap ang insidente madaling araw ng Sabado sa national highway sa Sitio Canamucan 2, Barangay Magay, Compostela City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang nasabing kalsada nang bigla na lamang siyang mahagip ni Gulisao.

Sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ang biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Dinala naman sa ospital ang biktima pero kalaunan ay nalagutan rin ng hininga.

Sa ngayon nagkaroon ng kasunduan sa panig ng pamilya at suspek na babayaran ang lahat ng danyos kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban kay Gulisao. Mary Anne Sapico