Babae, tiklo sa large-scale estafa, attempted human trafficking

Babae, tiklo sa large-scale estafa, attempted human trafficking

March 17, 2023 @ 3:49 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang isang indibidwal sa NAIA Terminal 1 sa kasong illegal recruitment.

Ang pagkakaaresto kay Mona Almerah Kozay y Teleban ay bunsod sa impormasyon na natanggap ng NBI mula sa Bureau of Immigration (BI) na siya ay pasakay sa NAIA Terminal 1 patungong Singapore pero Cambodia ang destinasyon para sa pagtatrabaho sa isang offshore gaming.

Ang pag-alis ni Kozay kasama ang ilang courier sa NAIA Terminal 1 ay pinigil ng mga opisyales ng BI at nai-turn-over sa NBI-IAID.

Matapos ang imbestigasyon, inaresto si Kozay at sinampahan ng kasong paglabag sa Section 4-A (Attempted Trafficking in Persons) ng R.A. 9208 as amended at paglabag sa R.A. 8042 (Large Scale Illegal Recruitment). Jocelyn Tabangcura-Domenden