Babae, tinaniman ng bala ng kabaro sa iligal na droga sa Taguig

Babae, tinaniman ng bala ng kabaro sa iligal na droga sa Taguig

July 27, 2018 @ 11:03 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines-  Patay ang isang babae sa Taguig City matapos itong barilin ng isang lalaking kapwa umanong sangkot sa iligal na droga ngayong Biyernes (July 27).

Nangyari ang krimen sa Barangay Lower Bicutan sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang biktima na si Janet Diones, 39-anyos, habang ang suspek na lalaki ay kinilala lamang sa alyas “Muds.”

Ayon sa imbestigasyon, nag-uusap lamang umano ang dalawa nang biglang barilin ng suspek ang biktima na kilalang sangkot sa iligal na droga sa nasabing barangay.

Patuloy ang imbestigasyong isinasagawa ng mga pulis kung ano ang motibo sa pagpatay sa suspek. (Remate News Team)