Babaeng Chinese, dinukot sa Pampanga nasagip sa Batangas

Babaeng Chinese, dinukot sa Pampanga nasagip sa Batangas

October 7, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng pulisya sa Batangas City ang babaeng Chinese na dinukot kamakailan sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Police Regional Office 4-A director Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang biktima ay tubong Shanghai, China at dinukot ng mga hindi pa tukoy na dayuhan sa Angeles City noong Setyembre 17, 2022.

Ikinulong ang biktima sa isang bahay sa Barangay Alangilan sa loob ng 20 araw na kalaunan ay nagawang makatakas at makahingi ng tulong sa Batangas City police.

Ayon sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group, nasa $200,000 o higit P12-milyon ransom ang hinihingi ng mga salarin kapalit ng paglaya nito.

Pinapurihan naman ni Nartatez ang pulisya sa matagumpay na pagsagip sa babaeng Chinese.

“I commend the operatives of Batangas City police for saving the victim. Your timely response foiled a yet another kidnapping incident involving Chinese nationals. Such atrocities should not proliferate in our region. We should strengthen our intelligence efforts and maintain police presence in the streets as deterrent to possible kidnapping and other crimes,” ani Nartatez.

Ipinag-utos na nito sa Anti-Kidnapping Group 4-A at PRO-4-A na magkasa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek dito.

“I want immediate progress in this case and also I want these kidnappers to be arrested. We cannot tolerate these criminals who victimized innocent civilians for their own gain,” dagdag pa ni Nartatez. RNT/JGC