Babaeng Chinese, na-beast mode sa daan; nanghampas, nanadyak, nandura

Babaeng Chinese, na-beast mode sa daan; nanghampas, nanadyak, nandura

July 7, 2020 @ 8:32 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Spotted ang isang dayuhang babae na nagwala at naghurumintado sa Makati na sinaktan, pinagtatadyakan, at dinuruan pa ang mga rumespondeng indibiduwal.

Napag-alamang babaeng Chinese umano ang nahulicam na bigla na lamang namalo ng kanyang payong sa isang siklista sa kanto ng Jupiter sa Makati ngayong hapon ng Martes.

Ayon sa siklistang kinilalang si Jefferson Reyes na pinaghahampas ng babae, nauna nang binanatan umano nito ang enforcer na nagbabawal dito na tumawid sa kalsada dahil pula pa ang traffic light.

Nang makita ni Reyes ang pangyayari ay sinigawan niya umano ang babae para awatin.

Dito na siya pinagbalingan ng galit ng babae at ito na rin ang eksenang sapul sa kamera kung saan pinaghahampas na siya.

Hindi rin nakaligtas sa galit ng babae ang isa pang security guard maging ang nasa sasakyan na kumukuha ng viral na video.

Maya-maya pa, ay dumiretsyo umano ang babaeng Chinese sa isang restoran at dito ay muli daw nagwala at nanira ng mga gamit.

Dito na siya pinosasan ng rumespondeng security guard; imbes na tumahimik ay dinuruan pa niya ang sekyu.

Dinala ito sa presinto at inaalam na ng mga pulis kung mayroon ba itong problema sa pag-iisip o nasa impluwensya ng droga. RNT


  •  
  •  
  •