Babaeng Chinese na dadalaw sa syota, dinamba sa pasalubong na droga

Babaeng Chinese na dadalaw sa syota, dinamba sa pasalubong na droga

November 24, 2021 @ 6:22 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang babaeng Chinese national na dadalaw sa kanyang boyfriend na kasalukuyang nakakulong sa Solaire Police Sub-Station Custodial Facility sa basement parking, Asena 1 Entertainment City, Barangay Tambo, Parañaque City dahil sa pagdadala ng bawal na droga kaninang umaga dakong 9:30.

Ang suspek na si Chen Hai Juan, Chinese National na businesswoman, 30 anyos na taga Zhejian, China, ay hinuli ng mga pulis ng Tambo Police Sub-Station 2 nang tangkain nitong ipuslit ang tinatayang isang gramo ng shabu na may presyong P6,800 para sa boyfriend na hindi binanggit ang pangalan sa report.

Tinangka pa ni Chen Hai Juan na tumakas sa pamamagitan ng kotse niyang Mustang GT na kulay itim at may plate number AAN 3823 pero naharang ng mga pulis na sina PCpl Eliza Banhan, PCpl Aldwin Cinco, PCpl Alvin Posadas at PCpl Jersy Fernandez, miyembro ng PNP/Tambo Police Sub-Station 2 Sa Diokno Boulevard.

Nauna rito ay dadalaw si Chen sa BF pero nirikisa ang kanyang bag bilang standard operating procedure kaya natuklasan ni PCpl Banhan ang droga at agad na inaresto ang babaeng Chinese national.

Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa RA 9165 at nakuhang ebidensya ang 2 pirasao ng plastic sachet na may 1 gramo ng shabu, glass pipe, 2 basag na glass pipe at rolyo ng aluminum foil, 1 charger, 2 atm cards, iba-ibang susi at kotseng Mustang. Dave Baluyot