Babaeng cook timbog sa 2 kilong marijuana

Babaeng cook timbog sa 2 kilong marijuana

October 17, 2020 @ 3:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Timbog ang isang babaeng cook matapos mahulihan ng dalawang kilo ng marijuana sa Juan Luna at Moriones Sts., Tondo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa MPD-PS2 ang suspek na si Aida dela Cruz, 49, residente ng 1670 Juan Luna St., Tondo.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation sa lugar laban sa suspek at nasamsam sa pag-iingat ni Dela Cruz ang dalawang kilo ng marijuana na naka-packaging tape.

Tinatayang nasa P240 libo ang halaga ng droga.

Nahaharap ang suspek sa illegal sale of dangerous drugs. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...