South Africa – Isang babae sa South Africa na idineklarang patay na ng rumespondeng paramedics matapos masangkot sa car crash ang nabuhay habang nasa mortuary fridge na at nakatakdang embalsamuhin.
Kinumpirma ng Ambulance service Distress Alert na patay na ang isang hindi kilalang babae at sinertipikahan pa ito ng paramedics sa mismong crash scene sa Carletonville, timog-kanluran ng Johannesburg noong June 24.
Nang dalhin sa morque at ilagay sa freezer, nagulantang ang mga mortuary technicians nang matuklasan na buhay pa pala ang babae.
Sakay ang biktima sa kanyang kotse, kasama ang dalawa pa, nang bumangga ito at magpabali-baligtad sa kalsada.
Dumating ang paramedics at idineklarang patay ang dalawa sa sakay ng kotse, kabilang ang nasabing babae.
“We followed our procedures — we’ve got no idea how it happened,” sabi ni Distress Alert operations manager Gerrit Bradnick.
“The woman shown no signs of life when she was attended to by first responders,” ani Bradnick.
“The crew is absolutely devastated — we’re not in the business of declaring living people dead, we’re in the business of keeping people alive.”
“All the right checks were done — breathing, pulse — so the patient was declared deceased,” dagdag niya.
Nang malaman na buhay pa ang babae ay dinala kaagad siya sa Carletonville hospital.
Isang pagsisiyasat ang isinagawa ngayon laban sa mga tauhan ng paramedics na siyang lumalabas na unang rumesponde sa crash scene.
“Paramedics are trained to determine death, not us,” ayon kay Bradnick
“You never expect to open a fridge and find someone in there alive. Can you imagine if we had begun the autopsy and killed her.” (Nats Taboy)