Babaeng nag-alok ng gayuma, huli sa Valenzuela

Babaeng nag-alok ng gayuma, huli sa Valenzuela

August 1, 2018 @ 9:29 AM 5 years ago


 

 

Valenzuela City – Arestado ang isang babae matapos umanong magpanggap na may kakilalang marunong maggayuma para makakuha ng malaking pera sa Valenzuela City.

Naaresto ang suspek na si Jane Mendoza ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes (July 30).

Ayon sa biktima na si “May” pinagbantaan umano siya ng suspek matapos itong tumigil na magpadala ng pera.

Nasa P66,000 ang kabuuang halaga na naibigay ni ‘May’ sa suspek matapos niyang mapag-alaman na may kakilala umanong marunong manggayuma ang suspek sa Facebook noong April.

Nag-break kasi sila ng kaniyang nobyo kaya’t umasa siyang makatutulong ang gayuma para magkabalikan sila.

Nangako naman ang supek na ihihingi si ‘May’ ng tulong sa kakilalang manggamot para gayumahin ang dating nobyo nito.

“Nag-message siya sa ‘kin na marunong daw siya. Tapos mga ilang days na, humihingi na siya ng pera tapos parang sabi niya, ‘In seven days, puwede na kayong magkaayos ng boyfriend mo,'” sabi ng biktima.

Apat na beses umanong personal na pumunta ng biktima sa bahay ng suspek sa Pangasinan pero bigo pa rin itong makaharap ang sinasabing manggamot.

Dahil dito, nakahalata na ang biktima na gawa-gawa lang ng suspek ang ipinangakong mangagamot kaya’t nagsumbong na ito sa pulis.

Nahaharap sa kasong robbery extortion, swindling, at estafa ang suspek. Remate News Team