Babaeng nasa drug watch list tiklo

Babaeng nasa drug watch list tiklo

July 28, 2018 @ 1:00 PM 4 years ago


 

Pasig City – Kalaboso ang isang babae na kabilang sa drug watchlist sa kanilang lugar makaraang mahulihan ng baril, bala at mga droga sa loob ng kanyang bahay sa bisa ng search warrant Biyernes ng hapon sa Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Ana Lisa Paya, 53-anyos, freelance house keeper sa iba’t ibang condominium sa Pasig at BGC sa Taguig City, tubong Albay.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant na inilabas ni Hon. Danilo Cruz, Executive Judge ng Pasig RTC Br. 152 ng pinagsanib na mga elemento ng District Intelligence Unit (DIU) na pinamumunuan ni PSupt. Hendrex Mangaldan at District Special Operations Unit (DSOU) na pinamumunuan ni PS/Insp. Guerero, mga tauhan ng Explosive Ordnance Division at mga elemento ng PCP 8 laban sa suspek.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagbawi ng mga kontrabando na kung saan ay ang paksa ng paghahanap: isang (1) cal. 45; pitong (7) piraso ng live ammos para sa kal .45; at 2 piraso ng live ammunitions ng 40MM Grenade (M203); at 74 pcs heat sealed sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na natuklasan sa payak na taanawin (plain view) habang isinasagawa ang paghalughog.

Isinagawa ang paghahanap sa maayos na paraan na nasaksihan ng mga taga opisyal ng Brgy. Pinagbuhatan sa presensya ng suspek na kasama sa 2018 Drug Watch List ng Pasig City, na ikinategorya bilang street level pusher.

Ang suspek ay dinala sa EPD DSOU para sa dokumentasyon at habang inihanda ang kasong Paglabag sa RA 10591 (Illegal Possesion of Firearms, RA 9516 (Illegal Possesion of Explosives) at Paglabag sa sec. 11 ng RA 9165. (Toto Nabaja)