Babaeng Presidente ng bansa, mahilig mag-party at tomoma, pinada-drug test

Babaeng Presidente ng bansa, mahilig mag-party at tomoma, pinada-drug test

August 20, 2022 @ 9:49 AM 1 month ago


FINLAND – Makaraang magsilabasan muli sa social media ang pagdalo sa mga party at inuman ang Pangulo ng bansang ito, hinihiling na ng kanyang mga katunggali na magpa-drug test ito.

Sa gitna nito, sinabi ni Prime Minister Sanna Martin na ligal ang kanyang ginagawa na pagdalo sa mga party, uminom ng alak at kumanta at wala siyang balak na magbago rito na siyang kinahihiligan ng kanyang henerasyon sa edad 34 at bilang dating pinakabatang Pangulo ng bansa sa buong mundo.

Gayunman, mariin niyang itinanggi na gumagamit siya ng droga at sinabi niya kay Riikka Purra, isa niyang kalaban sa pulitika, na handa siyang sasailalim sa drug test.

Naging kontrobersyal si Martin nang dumalo siya sa isang party at nakihalubilo sa isang nagpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang taon.

Humingi ito ng dispensa sa publiko at tinanggap ito ng kanyang mga kababayan.

Ngayong muling lumitaw ang isa pang pagdalo niya sa party na kainuman at kasayawan ang ilang sikat na Finnish, nahati ang opinion ng publiko.

Gayunman, sinasabing hindi nabawasan ang pagkilala sa kanya ng mga mamamayang Finnish at hinahayaan itong magpatuloy bilang kanilang Pangulo. RNT