Babaeng pulis binaril ng sariling ama

Babaeng pulis binaril ng sariling ama

October 20, 2022 @ 1:28 PM 1 month ago


MADDELA–Tugis ngayon ng mga awtoridad ang isang ama matapos barilin ang sariling anak na babaeng pulis Sabado sa bayang ito.

Kinilala ang suspek na si Robert Taipan habang nagpapagaling naman sa ospital ang anak nitong si PCorporal Riza Olasan kasapi ng Maddela Municipal Police Station matapos magtamo ng bala ng baril sa leeg.

Batay sa report ng Maddela Police Station, bandang alas-10 ng gabi naganap ang pamamaril sa Villa Norte, Maddela, Quirino.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng Toyota Vios na minamaneho ni Den Mark Galope, 30 taong gulang, PNP Member rin na nakatalaga sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya Police Provincial Office at residente ng Brgy. Quezon, Cordon, Isabela.

Pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay subalit pagdating sa naturang lugar bigla na lamang silang pinagbabaril ng kanyang ama.

Tinamaan sa leeg sa Olasan sa leeg na agad naman dinala sa ospital para lapatan ng lunas habang mabilis na tumakas ang ama nito.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaril. Mary Anne Sapico