Babaeng pulis na sinibak, kulong sa shabu

Babaeng pulis na sinibak, kulong sa shabu

October 2, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


CAMARINES SUR – Kulungan ang kinabagsakan ng isang babae na nasibak sa serbisyo dahil sa paggamit ng iligal na droga matapos madakip ng mga awtoridad sa ginawang buy bust operation Linggo, Oktubre 2 sa bayan ng Bato.

Kinilala ang nadakip na suspek na si ex- PCpl Richelle Magalona Mata at residente ng Barangay San Rafael, Bato, Camarines Sur.

Ayon kay PBGen. Warren De Leon, acting director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group Luzon Field Unit Team 5, nadakip ang suspek sa nasabing lugar.

Nakuha kay Nata ang 3 pirasong pakete na naglalaman ng shabu na may bigat na higit sa 13 gramo at aabot sa halagang P88,400.00 at boodle money.

Sinabi pa ni de Leon na kabilang si Mata Counterintelligence Watchlist ng Camarines Sur Police Provincial Office, Police Regional Office 5.

Si Mata ay natanggal sa serbisyo taon 2019 na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang surprise drug test examination ng Camarines Sur PPO, PRO5 sa lahat ng tauhan ng PNP hanggang sa nag-awol.

Sa halip na ituwid ni Mata ang kanyang pagkakamali ay lalo pa umano nitong ipinagpatuloy ang iligal na aktibidades sa pag-ooperate ng ilegal na droga sa bayan ng Bato, Naga City Camarines Sur at kalapit na bayan.

Nasa kustodiya ngayon ng Bato Municipal Police Station, Camarines Sur si Mata para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. Mary Anne Sapico