Babaeng Top 2 MWP at murder suspek, arestado

Babaeng Top 2 MWP at murder suspek, arestado

January 20, 2022 @ 12:32 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang babae na Top 2 most wanted sa kasong murder sa Angeles City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Rodrigo Ido Del Rosario, Presiding Judge, RTC Branch 114, Angeles City, Pampanga na may petsang  January 3, 2022, naaresto sa Tondo, Maynila ang wanted na si Brenda Lonjas Balantad  alyas Glenda.

Napag-alaman na nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) laban sa suspek.

Sa rekord, kinasuhan ang suspek ng pamilya ng biktima na kanyang napatay sa saksak nang tangkain umano siyang pagsamantalahan matapos silang malasing sa inuman.

Tumakas ang suspek at nagtago sa Maynila kung saan magtatrabaho ang kanyang live-in partner.

Hindi naman tumigil ang tracker team sa pamamagitan ng operational research at sa tulong na rin ng confidential informant hanggang sa matunton ang kanyang kinaroroonan na nagresulta ng kanyang  pagkakadakip. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)