Babaeng tulak nalambat sa Navotas buy-bust; P340K shabu, nasabat

Babaeng tulak nalambat sa Navotas buy-bust; P340K shabu, nasabat

July 21, 2022 @ 1:18 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasamsam sa isang babae na tulak umano ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa buy-bust operation sa Navotaw City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Jade Sican, 48, (Pusher/Listed), at residente ng Blk 30 Lot 108, Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr, at Intelligence Section sa pangunguna ni PCPT Melito Pabon ng buy-bust operation sa Tanigue Ext., Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang transparent plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto ang si Sican.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50.1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,680, buy-bust money, P500 bill at sling bag.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura