Babaeng walang saplot, natagpuang nakalutang sa dagat

Babaeng walang saplot, natagpuang nakalutang sa dagat

June 28, 2018 @ 3:31 PM 4 years ago


Navotas City – Isang hindi pa nakikilalang babae na walang saplot na hinihinalang ginahasa muna ng di pa nakikilalang salarin bago itinapon sa dagat ang natagpuan kagabi sa dalampasigan ng Brgy. San Jose, Navotas City

Ayon kina Navotas police homicide investigators SPO1 Alan Ogatia at PO2 Eugene Layaban ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima ay ipinapalagay na nasa 30 – 35 anyos, 5’2 ang taas, at nakasuot lamang ng kulay itim na bra.

Natagpuan ang bangkay pasado alas-8:00 ng gabi malapit sa dike ng Tuazon St. in Brgy. San Jose.

Base sa salasay ng saksing si Raymond Salonga, 24 ng 213 Tuazon St., sa mga pulis, kasama niya ang kanyang kaibigan papunta sa dike para kumuha ng sariwang isda ngunit kanilang napansin ang isang bagkay na nakalutang sa tubig dagat na napuluputan ng fish net ang ulo kaya agad nilang ipinaalam sa mga awtoridad.

Sa isinagawang cursory examination ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) lumalabas ang biktima ay may nakataling nylon cord sa leeg at sa mga paa nito habang ang ulo ay napuluputan ng fish net at may mga sugat sa dibdib sa kaliwang balikat at sa tiyan.

Ayon kay Navotas police chief Senior Supt. Brent Milan Madjaco hindi pa madetermina ng mga imbestigador kung ang biktima ay ginahasa bago pinatay at itinapon sa nasabing lugar ara iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Ang katawan ng hindi pa nakikilalang biktima ay dinala sa Eusebio Funeral Homes para sa autopsiya. (Roger Panizal)