Babaeng wanted sa attempted murder nalambat sa Navotas

Babaeng wanted sa attempted murder nalambat sa Navotas

June 25, 2022 @ 12:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nabitag ng pulisya ang isang babaeng wanted sa kasong attempted murder sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Mirasol Carabio, 34, may-asawa ng 379, Brgy. NBBN, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon hinggil sa akusado na nakita sa kanilang lugar.

Kasama ang Navotas Police Sub-Station 3, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong ala-1:05 ng hapon.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Emmanuel D. Laurea, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Navotas City para sa kasong Attempted Murder in relation to RA 7610. Boysan Buenaventura