Babaero pa rin ang ex PBA player

Babaero pa rin ang ex PBA player

January 15, 2022 @ 1:43 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nakakatuwa naman ang ex PBA player na ito. Hanggang ngayon ay di pa rin nagbabago sa pagiging babaero niya .

Nung panahong naglalaro pa ito sa  liga sadyang lapitin siya ng mga babae, kasi nga may hitsura ang basketbolista noong kabataan niya.

Kapag ang babae ay humarot-harot sa player na to, siguradong bagsak ang bataan sa sandata ng basketbolista.

Nakailang asawa na nga ang tigasing player at ngayon ang balita ng  HULA WHOOPS ay hiwalay na naman sila ng kanyang kinakasama ng ilang buwan na.

At mukhang hindi mabubuhay si player kapag walang tsiks. Kaya nagpapalipad hangin ito sa  biyudang asawa ng dati niyang teammates.

Buti na lang malakas ang pang amoy ng babae at tinabla agad ang beteranong player na babaero. Magbago ka na kasi. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel