Babala ng DILG: POGO na masasangkot sa ilegal na aktibidad, ipasasara

Babala ng DILG: POGO na masasangkot sa ilegal na aktibidad, ipasasara

September 15, 2022 @ 3:56 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kaagad na ipasasara ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na masasangkot sa ilegal na aktibidad.

Ang babala ni Abalos ay matapos mailigtas ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) ang 43 Chinese nationals na umano’y biktima ng human trafficking activities sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi ni Abalos na nakikipag-ugnayan na sila sa Chinese Embassy at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na namamahala sa POGO industry at ilang kinatawan ng rehistradong POGO industries na lumikha ng sistema ng reportorial requirements para sa nasabing gaming operators.

“There must be a system here. Remember POGO is a franchise, nagtatrabaho sila dito, may mga working permits sila . All that we have to do tingnan natin yung kanilang list from the immigration, from the POGO themselves. They must submit ilan na yung wala na sa kanila, yung hindi na nagtatrabaho para ma-filter natin ito. There is a way here for them to account for their employees,” ayon kay Abalos sa isang press briefing sa Camp Crame, araw ng Miyerkules.

Sa naturang briefing, ipinresenta ni Abalos ang suspek na si Chen Yi Bien alyas Ayi, 33, human resource manager ng Lucky South 99.

Ang suspek ay sinasabing di umano’y sangkot sa kidnapping ng 42 dayuhan.

Siya ngayon ay sumasailalim sa debriefing ng PNP-AKG.

“All I can say is that the PNP under PBBM’s administration will do everything. We will definitely look for it. We will use all the forces of the government so don’t worry as what we are doing right now you have seen results here but the important thing here is that we can filter out, what is true, what is not true but above all there are results,” ayon kay Abalos.

Sinabi pa niya na ang mga ebidensiya na na nakuha sa rescue operation ay rerebisahing mabuti upang madetermina ang pananagutan ng management ng POGO.

“We will have to review the evidence if the management really has something to do with it and if it really knows it’s happening. Not only this may be closed but more people will be behind bars here,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose