Babala ng Iloilo mayor sa DSWD regional director pinalagan ni Tulfo

Babala ng Iloilo mayor sa DSWD regional director pinalagan ni Tulfo

August 22, 2022 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inako ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang sisi sa magulong distribusyon ng educational aid na naging ugat ng siksikan ng mga indibidwal sa field offices ng ahensya nitong Sabado.

Tumugon si Tulfo nitong Lunes sa babala ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na idedeklara niya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional director sa lungsod na persona non grata sa hindi pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan sa pag-organisa ng cash aid distribution, na inilarawan ng alkalde bilang “terribly planned event.”

“Eh kung plano niya pong i-persona non grata ‘yung tao ko po, ‘wag naman po dahil sumusunod lang ang tao sa instruction ko. Please tell Mayor Treñas na si Secretary Tulfo po ang i-persona non grata niya,” giit ni Tulfo. “I will take the bullet because instruction ko po ‘yun.”

Inaayos na ng DSWD at ng Department of Interior and Local Government (DILG)ang distribusyon ng cash aid o ayuda.

Inatasan naman ang local government units na tumulong sa rollout. RNT/SA