Babala ng NGCP na manipis na power supply sa dry season kinwestyon ni Cusi

Babala ng NGCP na manipis na power supply sa dry season kinwestyon ni Cusi

January 21, 2022 @ 10:12 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Hayagang kinwestyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang naging babala ng National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) na manipis na power supply conditions sa panahon ng dry season

“I have already instructed our Power Bureau to look into these matters,”ang pahayag ni Cusi sa isang kalatas.

Binanatan din ni Cusi ang grid operator sa pagpapalabas ng babala sa halip na tiyakin na may sapat na suplay sa panahon ng dry season.

Araw ng Martes, nagbabala ang NGCP ng manipis na operating margins mula Abril hanggang Hunyo kabilang na ang critical election period, bunsod ng inaasahang pagtaas sa demand.

“So, what is NGCP doing about it?” tanong ni Cusi.

“Increased demand for power during our hotter months, and reduced supply during these same dry months is an annual occurrence, and as system operator and grid operator, the NGCP is very much aware of this cycle,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Cusi na ang DOE ay “spearheading efforts to bring the power industry together to work toward a wholistic solution.”

“The NGCP is expected to perform their responsibilities that contribute to the adequacy of supply, and more so this year as we will be holding national elections this summer.”

Interesado aniya ang DOE na marining mula sa grid operator ang tungkol sa mga hakbang na gagawin nito o ginagawa para tugunan ang situwasyon partikular na ang pigilan na mangyari ang power interruption.

Upang mapigilan ang posibleng power shortages, umapela ang NGCP sa mga mambabatas na kaagad na “explore demand side management strategies” para pagaanin ang anumang posibleng power supply issues sa mga darating na buwan lalo na sa panahon ng presidential election sa Mayo.

Sinabi ni Cusi na bago sana nagpalabas ng ang NGCP ay tiniyak muna nito ang mga sumusunod: “That all capacities at all power stations are available, That all available capacities are connected,That all congestion issues are addressed, That the Grid Operating Maintenance Program (GOMP) was thoroughly planned and Those reserves are contracted from a separate pool of capacity for ancillary services which can be tapped in cases of emergency.” Kris Jose