Babawi ako kay Inoue – Donaire

Babawi ako kay Inoue – Donaire

June 5, 2022 @ 1:09 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni WBC bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na babawi siya sa nalasap na pagkatalo sa unang laban nila ni Naoya Inoue sa gaganaping rematch nila sa June 7 o sa Martes sa Saitama, Japan.

Ayon kay Donaire, ramdam niya na hindi siya 100 porsiyento nang matalo siya sa kanilang brutal na 12-round na salpukan ni  IBF-WBA bantam king Inoue sa Japan noong 2019.

Kumpiyansa siyang iba ang magiging resulta sa muli nilang pagkikita sa susunod na linggo sa Saitama, Japan.

“After the last fight, there was a fire burning inside of me……. the motivation, the feeling that I was not at my best, and I know I can beat him at my best,” ani Donaire habang ang kanilang huling press conference bago ang kanilang laban para sa title unification.

“Iyon ang nasa loob ko na pumasok sa locker pagkatapos ng laban. Hindi ko gugustuhin ang rematch na ito kung hindi ko naisip na mananalo ako sa laban na ito.”

Confident si Donaire sa laban, lalo na at galing ito sa dalawang sunod na panalo kontra mga dating undefeated na sina Nordine Oubaali at Reymart Gaballo.

Si Donaire ay isang 4-division champion at siya ay naglalayon na maging unang Pinoy undisputed champion.

“I’m very, very motivated. This is the fight that I’ve been aiming for, to accomplish everything that I have not accomplished in boxing. I’ve accomplished everything in boxing except become the undisputed, and this is the road to the undisputed,” sabi ng 39-anyos.

Ang 29-anyos na si Inoue, samantala, ay nananabik na makaharap muli si Donaire.

“It’s been two years and seven months since we had the first fight, and now we have the rematch in a few days’ time. I’m very motivated and excited. I think everyone is excited,” sabi ni Inoue.

Ang sinumang manalo sa laban ay malamang na hahabulin si Paul Butler na kamakailan ay nanalo ng titulong WBO.JC