‘Babikwooh,’ tawag ni Paolo kay Yen!

‘Babikwooh,’ tawag ni Paolo kay Yen!

July 4, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi na ikakagulat ni Paolo Contis kung bakit naging public na naman ang post na pasasalamat niya kay Yen Santos sa Facebook dahil sa ipinadalang adobo with matching brown rice. Inunahan na nga ni Paolo ang magiging reaction ng mga netizens sa ipinost niyang caption na adobo at brown rice.

“Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa ‘yan mamaya! #Adobash thank you babikwoooh…”

Dahil na rin sa post ni Paolo ay nabuking tuloy na “Babikwooh” na “baby ko” siguro ang ibig sabihin ng tawag niya kay Yen.

Natatandaan ng mga netizens na nag-request ng adobo si Paolo pagkatapos na padalhan siya ng kaldereta ni Yen.

Biniro pa si Paolo ng netizen na si Minnie Aguilar ng, “Alagang-alaga” na sinagot naman ni Paolo ng, “Oh, yes!”

Curious tuloy ang mga netizens na malaman kung pinagluluto ni LJ Reyes si Paolo noong nagsasama pa sila. Kasi parang ngayon lang daw nakatikim ng adobo at kaldereta ang actor. Gerry Ocampo