Manila, Philippines – Itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) #1 sa Babuyan Group of Islands ngayong Linggo (July 22) dahil sa patuloy na pag-ulang dulot ng bagyong Josie na binabagtas ang hilaga-hilagangsilangan ng Bashi Channel sa pagitan ng Pilip[inas at Taiwan.
Nananatili pa rin ang TCWS #1 sa Batanes Islands ayon sa Severe Weather Bulletin na inilabas dakong alas-2 ng hapon.
Huling namataan ang bagyong Josie alas-1 ng hapon sa 265 km ng hilaga hilagangsilangan ng Basco, Batanes, na may dalang hangin na nasa 60 kph malapit sa gitna at bugso na nasa 75 kph.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa pagitan ng gabi ng Linggo at Lunes ng umaga.
Patuloy naman na magpapa-ulan ang habagat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas, Cavite, Batangas at Rizal, ayon sa PAGASA.
Pinapayuhan naman ang mga residente sa mga mababang lugar na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at landslide. (Remate News Team)