Baby girl ni JC de Vera, bininyagan na

Baby girl ni JC de Vera, bininyagan na

June 26, 2018 @ 1:15 PM 4 years ago


Ipinasilip ni Nadia Montenegro ang masayang binyag ng unica ija ng Kapamilya actor at proud daddy na si JC de Vera.

Si Nadia ay isa sa mga kinuha para maging ninang ni baby Lana Athena.

Sa instagram post na ipinost ng aktres, makikita na kasama rin sa binyag ang komedyanteng si Pooh at ang actor na si John Prats.

“Ninang Duties! Congratulations inaanak Lana Athena and proud parents (JC and Rikkah). Love you guys! Beautiful Family,” ayon sa caption ng post ni Nadia.

Matatandaang kamakailan lamang ay una nang nagsalita si De Vera sa unang pagkakataon patungkol sa pagiging ama niya ng kanyang 2-month old baby girl.

“Mas naging responsible ako in all aspects of life. Mas naging compassionate ako kasi meron akong daughter na,” masayang pagbabahagi ng aktor. (Remate News Team)