Baby girl nina Jen at Dennis, dream-come-true sa dalawa!

Baby girl nina Jen at Dennis, dream-come-true sa dalawa!

November 28, 2021 @ 10:15 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagpa-ultrasound na pala si Jennylyn Mercado at alam na nilang babae ang magiging anak nila ni Dennis Trillo.

It’s a double dream-come-true for the newly-wed couple.

Ang unang natupad na pangarap nila ay ‘yung magkaanak sila na produkto nilang dalawa. Pareho silang may tag-isang anak na lalake na bunga ng nakaraang relasyon sa kanya-kanyang kapareha.

Ang pangalawang pangarap nila ay babae sana ang maging unang supling nila bilang couple.

Pahayag ni Dennis sa vlog nilang mag-asawa kailanman: “Gusto naman namin ng ibang mapaglalaruan, ibang mabibihisan. Lalo na si Jen, tuwang-tuwa siya sa baby girl.”

Ibinunyag ni Jennylyn sa vlog nila na nag-offer pa nga sila ng mga itlog kay Santa Clara para masagot ang dalangin nila na babae ang maging anak nila.

Actually, nagdaos sila ng gender-reveal party para sa ilang kaibigan ilang araw pagkakasal nila nu’ng November 15.

Sa gender reveal party, binigyan ang mga guest ng tag-isang kahon may small pot sa loob. The guests were instructed to eat the cake inside the pot to learn the baby’s gender.

It was later shown to contain a pink chiffon underneath, revealing the baby was a girl.

“Sa wakas magkakababae na tayo,” bulalas ni Jennylyn. Danny Vibas