Baby Go, aminadong lucky charm si Lovi Poe!

Baby Go, aminadong lucky charm si Lovi Poe!

January 24, 2023 @ 6:50 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ikino-consider ng BG Films International matriarch na si Baby Go na lucky charm niya ang magaling na aktres na si Lovi Poe.

FYI, si Lovi ang pinakaunang artista ni Madam Baby sa BG films via the movie Lihis, last 2013. At ngayon, sa latest project ng BG na Latay ay si Lovi ulit ang bida kasama ang award winning actor na si Allen Dizon.

Maganda ang naging resulta sa box office ng pelikulang Lihis kaya malamang ay magiging maganda rin ang result ng Latay na ipapalabas na sa mga sinehan nationwide on February 8, 2023.

“Mabait si Lovi at magaan katrabaho. Hindi rin siya tulad ng iba na maraming reklamo kaya gustong-gusto ko siya at hindi ako nagsasawang kunin ang kanyang service.

“Madali kasi siyang kausap kaya siguro isa siya sa aking mga lucky charms,” sabi pa ni Madam Baby sa red carpet premiere night ng Latay.

Ipinangako ni Baby Go na ngayong 2023 ay magiging aktibo na ulit ang BG Films International sa paggawa ng pelikula lalo’t sinimulan na ito ng award-winning movie na Latay, na lumibot na rin sa iba’t-ibang bansa dahil sa filmfest.

“Right timing lang kasi ang kailangan and ngayon, after pandemic, ngayon ang panahon para maipalabas na ito sa local cinema at mapanood din ng ating mga kababayan.

“Siguradong buhay na naman ulit ngayon ang BG films,” sabi pa ni Madam Baby.

Halos dalawang taon din kasing nagpahinga sa pag-produce ng movie ang nasabing film outfit dahil sa pananalasa ng COVID-19. JP Ignacio