Baby Go, may ka-loveteam sa pelikulang Lanao!

Baby Go, may ka-loveteam sa pelikulang Lanao!

January 3, 2023 @ 1:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang pagpu-full time actress ng BG Films International producer na si Baby Go.

Isa na kasing full-pledge actress si Madam Baby sa pelikulang Lanao kung saan ay nag-first shooting day na siya sa isang probinsiya near Metro Manila.

FYI ay lumabas na rin naman si Madam Baby sa kanyang mga na-produce na movies ngunit mga cameo roles lang but this time ay malaki ang kanyang role na may kinalaman sa lifestory ni Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte.

Naging tampulan din ng tuksuhan ang “ka-loveteam” ni Madam Baby sa movie, si Alvin Fortuna, na gumanap na asawa niya.

Ang Lanao ay biopic ni Mayor Mamay na dinirehe ni Buboy Tan.

“Very happy ako kasi habang hinihintay ko ang pag-release sa commercial screening ng movies ko na Latay at Ave Nida, e, tinawagan ako para gumanap sa pelikulang Lanao,” nakangiting sabi ni Madam Baby.

Ang pelikulang Latay ng BG Films International ay humakot ng awards sa iba’t-ibang bansa directed by Ralston Jover and topbilled by internationally acclaimed actors Allen Dizon and Lovi Poe. JP Ignacio