Baby Go, may paglilinaw sa pelikulang “Abe-Nida”!

Baby Go, may paglilinaw sa pelikulang “Abe-Nida”!

March 15, 2021 @ 8:07 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Recently ay usap-usapan sa showbiz world ang pagbabalik ng BG Films International via “Abe-Nida” na pagbibidahan ng award-winning actor na si Allen Dizon at ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

Lalong naging maingay ang pelikula dahil may mga istoryang lumabas tungkol sa masturbation scene ni Allen at ang pagpapa-sexy ni Katrina.

Ngunit nilinaw ni Madam Baby na hindi bold ang kanyang pelikula under the helm of Direk Louie Ignacio.

“May mga ‘extreme nudities’ ang pelikulang ‘AbeNida’ pero hindi siya bold film. Hindi po hubaran ang genre ng aming pelikulang gagawin,” paliwanag ni Madam Baby na kilala sa paggawa ng mga award-winning movies.

Ang nasabing pelikula ay sinulat ni Ralston Jover at mula sa sinematograpiya ni TM Malones.

“Mentally deranged sculptor ang role ni Allen and we are expecting na de-kalibreng pagganap ang kanyang gagawin especially at first time niyang bibigyang-buhay ang role na ‘yun,” dagdag pa ni Madam Baby.

Ilulunsad din ang pagiging tunay na aktres ni Katrina sa pelikula na gaganap ng dalawang katauhan bilang Nida at Cecile.

Kasama rin sa pelikula ang ang mga multi-awarded actors and directors na sina Joel Lamangan at Laurice Guillen along with Leandro Baldemor and Pola Mayor Ina Alegre kaya again, hindi raw ito isang bold movie. Si Dennis Evangelista ang magla-line produce ng “Abe-Nida”! Joey Sarmiento