Baby Go, may panlaban sa COVID 19!

Baby Go, may panlaban sa COVID 19!

July 13, 2021 @ 8:11 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Dahil sa pandemya ay hindi maiwasang ma-delay ang paggawa ng mga pelikula sa industriya.

Ang movie producer na si Baby Go ng BG Films International na mismo ang nagsabi na kahit nauuso ang lock-in shooting ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang paggawa ng pelikula. Bukod dito ay mas lumaki pa ang budget dahil sa pagiingat na ginagawa ng production para sa mga artista at staff.

Sa katatapos lang na ‘Abe Nida’ ng BG Films na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Katrina Halili, inamin ni Madam Baby na  nairaos man ang shooting ay hindi naman ito naging madali.

Kaya naman pinagmamalaki ni Madam ang panlaban niya sa COVID 19, ang Orocur mouth spray na pinakilala sa kanya ng founder at inventor na si Doc Jose Odilon.

Incidentally, si Madam Baby at si Allen na rin ang kinuhang endorser ng Orocur para magamit sa shooting at tuluyan nang magbalik sa normal ang pagtatrabaho kapag bumaba na ang bilang ng tinatamaan ng COVID 19.

Gaya ni Madam Baby at Allen ay Orocur user din ang dating Chairman ng MTRCB na si Manoling Morato. Sinabi ni Manoling na ito raw ay anti-covid oral medicine na mabisa rin sa coughing, bronchitis, tonsilitis, at stomatitis.

Mula 2008 ay gumagamit na raw nito si Morato. JP Ignacio