Baby ni Alice, sinabihang mukhang ibon!

Baby ni Alice, sinabihang mukhang ibon!

January 21, 2023 @ 10:03 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ibinida ni Alice Dixson how proud she is as a mother to her daughter Aura.

Matatandaang taong 2021 nang bahagyang ipinasilip ng Kapuso actress ang noo’y baby pang anak habang lulan ng eroplano.

“Made in USA” si Aura whose key to her discovery of a doctor who’d help her ay walang iba kundi si Dra. Vicky Belo.

It was upon the lady doctor to the stars’ recommendation kung kaya’t dumating si Aura sa buhay ng ngayo’y 53 anyos na aktres.

Proof na super proud si Alex ay ang pagmutawi sa kanyang bibig na ang pagkakaroon niya ng anak ang pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay which she cherishes the most.

Pero pagkapanganak daw kay Aura ay hindi siya makapaniwalang baby niya ito.

Sa loob-loob daw niya, “Is this my baby?”

Frail-looking daw kasi ito o mukhang mahina, describing Aura as “mukhang ibon.”

Pero nang lumaon daw ay lumalaki itong malusog at maganda.

But if she had her way, “I’d rather have carried it myself.”

First time nagsalita si Alice tungkol kay Aura buhat nang bumalik mula Amerika.

Mas nag-concentrate siya sa trabaho particularly doing teleseryes on GMA one after another.

Napanood siya sa Legal Wives na unang pinakasalan ng Muslim na si Dennis Trillo.

Sinundan ito ng First Lady as the bad girl na naugnay kay Gabby Concepcion.

On her personal life, Alice would like to keep it private although may mga sightings sa kanya kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Ronnie Carrasco III