Bacarro tamang lider ng AFP-PBBM

Bacarro tamang lider ng AFP-PBBM

August 9, 2022 @ 7:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tamang lider ang napili niya sa katauhan ni AFP chief, Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro para pamunuan ang AFP.

“It is certain that we have chosen the right leader in General Bacarro to lead the AFP as it marches forward and undertakes a new journey that would eventually pave the way for a much improved and stronger AFP in the days ahead,” ayon kay Pangulong Marcos, isa ring AFP commander-in-chief, sa kanyang naging talumpati sa AFP change of command ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kumpiyansang inihayag ng Chief Executive na na ang AFP ay magiging “reliable partner” ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Bacarro lalo na ang tiyakin ang kapayapaan, kaligtasan at seguridad ng bansa.

“This has been long overdue. It is time to get to work and be the best that we can be in our respective capacities as public servants united in purpose and in deed,” dagdag na pahayag nito.

Ang mga katangian aniya ni Bacarro gaya ng “malakas na presensiya, administrative at operational proficiency, unmatched discipline, at unwavering commitment” ay magiging kapaki-pakinabang sa kanyang bagong trabaho.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang journey ni Bacarro bilang AFP chief-of-staff ay “not be an easy one”,

Siniguro ng Pangulo na suportado si Bacarro ng military.

“…With the AFP beside us assisting and putting in place the fundamental prerequisites for nation building, we shall overcome and emerge victorious in the end. Together, a meaningful change in the lives of many can be realized. I know that it can be done and that is why we shall,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose