“Back to Bakuna” program, inilunsad ng DOH sa Calabarzon

“Back to Bakuna” program, inilunsad ng DOH sa Calabarzon

July 26, 2019 @ 2:50 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglunsad ang Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng “Back to Bakuna” school-based immunization program, na ang layunin ay mabigyan ng libreng bakuna ang mga mag-aaral sa rehiyon.

Pinangunahan ni Regional Director Eduardo Janairo ang launching ng programa sa Santa Rosa Elementary School Central III sa Sta. Rosa, Laguna, katuwang ang Department of Education- Calabarzon at Sta. Rosa local government, kung saan 3,047 mag-aaral ang target nilang mabakunahan.

“We are certain that we can immunize all our target children in the region now that the trust and confidence of parents in the immunization program of the DOH are slowly returning,” ayon kay Janairo, matapos ang aktibidad.

“Nakikita natin ito sa dagsa-dagsang mga magulang na dinadala ang kanilang mga anak sa mga health center at ang pagbibigay nila ng kanilang parental consent upang mabigyan ng bakuna ang kanilang anak laban sa tigdas at iba pang sakit na preventable lamang sa pamamagitan ng tamang bakuna,” ayon pa sa health official.  “Measles is preventable and vaccination is the only way to prevent it. Napakaimportante na lahat ng bata ay mabakunahan upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng epidemya. Mahalaga rin na palakasin natin ang pangangatawan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang nutrisyon, tamang pahinga at wastong pagkain.”

Nabatid na ang “Back to Bakuna” school-based immunization program ay nagkakaloob ng libreng measles at rubella vaccines kabilang na ang mga booster doses ng tetanus-diphtheria vaccines sa public school children mula kindergarten hanggang Grade 7, o mula lima hanggang 13-taong gulang.

Magtatagal umano ang kampanya hanggang sa Setyembre ng taong ito.

Batay sa rekord na inilabas ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nabatid na 8,674 measles cases ang naitala nila sa rehiyon mula Enero 1, 2019 hanggang Hulyo 25, 2019, na 931% na mas mataas sa 841 kaso na naitala noong 2018.  Sa naturang bilang, 167 pasyente ang kumpirmadong nasawi.

“Provinces with the highest measles cases are Rizal with 3,095 (98 deaths); Laguna with 1,449 (23 deaths); Cavite – 1,392 (21 deaths); Quezon – 973 (11 deaths); and Batangas – 955 cases (14 deaths),” ulat pa ng RESU.

Iniulat rin naman ni Janairo na nitong nakalipas na tatlong araw ay wala silang naitalang bagong kaso ng tigdas.

“This is an indication that measles cases are slowly decreasing mainly due to the measles alert response that we have established in every provinces in coordination with the LGUs and other stakeholders including house to house vaccination, opening of measles fast lanes in all government health facility, identifying  high-risk groups for vaccination coverage and providing control measures and raising awareness in the communities about measles and its prevention,”  ani Janairo.

Tiniyak rin naman ni Janairo na ipagpapatuloy nila ang paghahanap at pagbabakuna sa mga bata upang matiyak na wala nang batang mabibiktima at mamamatay sa tigdas.

“We will continue to seek and vaccinate target children against measles even beyond the immunization campaign in order to provide protection to our children. No child should die of measles. It can be prevented and the safest and only way to protect them is through vaccination. And it is free,” aniya pa. /Macs Borja


  •  
  •  
  •