BACK TO THE BASICS VS COVID

BACK TO THE BASICS VS COVID

March 13, 2021 @ 12:15 AM 1 year ago


PATULOY ang dagsa ng mga kaso ng COVID-19 bago pa makarating sa bansa ang mga bakuna.

Sa aking panayam kay Dr. Guido David ng Octa Research Group, lumalaki ang banta ng COVID UK and South African variants na siyang nagparami ng bilang ng infections, partikular na sa Metro Manila.

Bilib din naman ako sa mga local official na mabilis kumilos laban sa pagputok ng mga kaso sa Pasay City, Malabon at Navotas kung saan natunton ang COVID variants.

Dapat lang na ipatupad ang localized lockdown at curfew kung saan naroon ang cluster ng COVID cases.

Umabot kahapon sa 607,048 total cases ang total number of COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Kung magpapatuloy ang takbo na 3,000 kaso sa bawat araw, papalo sa mahigit 660,000 sa katapusan ng March, Octa group said.

Ngunit hindi pa natataranta ang Department of Health (DOH) officials dahil 60 porsyento ng COVID beds ay available pa.

Sinabi rin nila na malaki ang porsyento ng recoveries, 546,293 as of March 10.

Itong mga kaso ng paggaling ang dapat ipaliwanag ng DOH sa publiko upang magbigay ng pag-asa kahit wala pang bakuna.

Para sa DOH, ang spike sa kaso ng COVID-19 ay hindi pa isang surge taliwas sa interpretasyon ng Octa group.

Isinisi ng DOH ang spike ng COVID cases sa paluwag ng ilang panuntunan kabilang na pagbubukas ng mga sinehan at arcade.

Dumami rin ang pagbibyahe dahil sa pag-aalis sa travel restrictions ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Mabuti naman at nakauwi rin ang mga locally stranded individual (LSI) at repatriated overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga pamilya sa lalawigan.

Sa kabila ng dagsa ng 3,000 cases of COVID-19 sa bawat araw, walang balak ang Malaca√Īang na magpatupad ng lockdown at sarhan ang ekonomiya.

Ayon kay Local Governments Undersecretary Epimaco Densing, wala pang plano ang IATF na magpatupad ng police checkpoints sa Metro Manila, tulad noong enhanced community quarantine (ECQ).

Malinaw na ‚Äėdi na kakayanin ng ekonomiya ang isa pang malawakang lockdown at magawang makabangon muli.

Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng uniform curfew, with exception for night workers.

‚ÄėYang mahigpit na curfew ang dapat unang ipinatupad noong January last year pati ang suspensyon ng klase at foreign tourist ban bago kumalat ang COVID-19.

Ngayo’y kailangan na ang malawak at epektibong information drive ukol sa pagkalat ng COVID-19 UK at South African variants.

Dapat ding mabigyan ang publiko ng malinaw na update tungkol sa government inoculation program at general vaccine rollout.