Backchannel talks sa NDF, sinuspinde ng pamahalaan

Backchannel talks sa NDF, sinuspinde ng pamahalaan

June 21, 2018 @ 10:01 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Sinuspinde na  muna ng pamahalaan ang backchannel talks nito sa National Democratic Front (NDF) para magbigay-daan sa pagre-review sa lahat ng kasunduang nalagdaan kaugnay sa peace talks.

Sa pahayag ni government negotiator Hernani Braganza, ipinaalam nila ang suspensyon ng backchannel talks sa isinagawang pagpupulong sa Utrecht sa The Netherlands na dinaluhan ng mga lider ng NDF leaders sa pamumuno nina chief negotiator Fidel Agcaoili at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

“In a meeting… the government team also conveyed the Philippine government’s decision to suspend all backchannel talks with the NDF pending the three-month review of all signed agreements related to the peace negotiations,” dagdag pa ni Braganza.

Nagtungo sa Utrecht ang negotiating team ng Pilipinas para pormal na iparating sa NDF ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-reschedule na lang ang planong pagsisimulang muli ng peace negotiations.

Naging bukas naman ang mga kinatawan ng NDF sa pasya ng pangulo. (Remate News Team)