Background check sa Pharmally execs ‘di na kailangan – Roque

Background check sa Pharmally execs ‘di na kailangan – Roque

August 2, 2021 @ 6:15 PM 11 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na hindi na nagsagawa ang gobyerno ng background check sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. dahil sa hindi naman ito nakamandato sa batas.

Ang Pharmally ang kumpanyang iniuugnay sa overpriced procurement ng personal protective equipment ng Department of Budget and Management noong nakaraang taon.

“Under the law, a corporation is a separate personality from stockholders,” ani presidential spokesperson Harry Roque sa press briefing.

“Hindi kailangan i-scrutinize kasi separate personality ‘yun [Individuals need not be scrutinized since they are of separate personality]. The bid was made by the corporation.”

 “Hindi na po mabubusisi iyong background ng mga stockholders or identity of bidders,” saad pa nito.

“These get scrutinized under normal circumstances under the Procurement Law, but we also have the Bayanihan 1.”

Aniya, hindi isyu ang maliit na kapital ng Pharmally na nasa P625,000 dahil sa nakapagsuplay ito ng PPEs at iba pang kailangan ng gobyerno.

“Even if they have a small capital, they were able to deliver, and they agreed that they will not be paid until they are able to deliver. So the small capital is immaterial.” RNT/FGDC