Backout sa MIM 2; Giselle natakot ma-bash?

Backout sa MIM 2; Giselle natakot ma-bash?

January 3, 2023 @ 10:05 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Pag-iwas na malagay uli sa kontrobersya ang dahilan kung bakit inayawan daw ni Giselle Sanchez na gumanap muli bilang Cory Aquino sa Martyr or Murderer.

Ang nasabing pelikula ang sequel ng Maid in Malacañang na idinirihe ni Darryl Yap.

Mga bida rito sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez bilang Ferdinand Marcos Sr. at Imelda Marcos, respectively.

Si Diego Loyzaga naman ang pumapel bilang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang mag-amang Cesar at Diego plus si Ruffa ang retained sa original cast ng pelikulang nagsimula na ang shooting sa Ilocos Norte.

Matatandaang umani ng batikos si Giselle na gumanap bilang Tita Cory sa MIM.

Inalmahan ng mga madre at maging ng mga political historians ang eksenang nagma-mahjong si Tita Cory dahil malayo raw ‘yon sa katotohanan.

Binatikos din si Giselle nang idepensa nito ang kanyang role at ikinatwirang “art” lang ang kanyang ginawa.

Sa kabila ng inabot na panlalait, never nang sumagot si Giselle para idepensa ang kanyang sarili.

Balitang umabot sa bilyong piso ang kinita ng MIM dito at sa ibang bansa.

Bukod sa sequel na MOM ay may ikatlong bahagi pa raw ito.

Sa pag-back out ni Giselle in reprising her Tita Cory role, kanino kaya ibibigay ang kontrobersyal na papel? Ronnie Carrasco III