Bacolod, Cebu, Iloilo, Mandaue ‘very high risk’ pa rin sa COVID — OCTA

Bacolod, Cebu, Iloilo, Mandaue ‘very high risk’ pa rin sa COVID — OCTA

February 2, 2022 @ 1:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nananatiling ‘very high risk’ ang Visayas sa  coronavirus disease (COVID-19) kahit pa bumababa na ang bilang ng kaso sa ilang lugar, ayon sa OCTA Research group.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na naobserbahan ang downward trend sa Bacolod, Cebu, Iloilo, Lapu-Lapu, Mandaue, Ormoc, at Tacloban.

“Lapu-Lapu, Ormoc, and Tacloban are at high risk as of Feb. 1, but Bacolod, Cebu City, Iloilo City, and Mandaue remained at very high-risk,” ani David sa tweet.

Samantala, sinabi ng OCTA kahapon na ang Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal ay nasa  “moderate risk” pa rin kahit bumababa ang kaso ng COVID.

Abiso nito sa publiko, sumunod pa rin sa safety protocols upang mapanatili ang downtrend sa COVID case. RNT/FGDC