Bacoor Cavite, sinailalim na sa state of calamity

Bacoor Cavite, sinailalim na sa state of calamity

July 19, 2018 @ 9:32 AM 4 years ago


 

Cavite – sinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Bacoor, Cavite matapos ang tinamong pinasala sa hagupit ng habagat na pinalakas ng bagyong Henry.

Ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado, umabot na sa 63 na barangay ang nalubog sa baha sa Bacoor habang kinakakailangan naman aniyang ilikas ang mhigit sa 20 pamilya na nasa tabing ilog sa lalawigan.

Kasunod nito, nagpatupad naman ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Bacoor, Cavite. (Remate News Team)