Badoy hindi na konektado sa NTF-ELCAC

Badoy hindi na konektado sa NTF-ELCAC

September 28, 2022 @ 4:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi na consultant o spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Lorraine Marrie Badoy, ayon kay Navotas Rep Toby Tiangco.

Ang pahayag ay ginawa ni Tiangco nang tanungin ni Gabriela Rep. Arlene Brosas sa isinagawang plenary debates ng Kamara ukol sa 2023 budget ng Office of the President.

Ayon kay Tiangco dahil ang NTF-ELCAC ay nasa ilalim ng Office of the President, kaya ang superbisyon ng tanggapan ay nasa ilalim na ni Pangulong Bongbong Marcos.

Pag-usisa ni Brosas kung ano ba ang katungkulan ni Badoy sa NTF-ELCAC, aniya, sa kanilang pagtatanong ay hindi rin konektado sa Department of Interior and Local Government (DILG) si Badoy.

Tugon ni Tiangco, si Badoy ay hindi tumatayong consultant ng OPS at hindi rin ito konektado na sa NTF-ELCAC. Gail Mendoza