Badoy nanawagan sa SC na ideklara siyang not guilty

Badoy nanawagan sa SC na ideklara siyang not guilty

November 17, 2022 @ 4:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Lorraine Badoy, dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na paglabag umano sa karapatan sa freedom of expression at freedom of the press kung paparusahan siya ng indirect contempt.

Ito ang nakapaloob sa inihaing komento ni Badoy sa Supreme Court kaugnay sa posibleng pagpapataw sa kaniya ng kasong indirect contempt matapos magkomento sa social media sa desisyun ni Manila Regional Trial Court Presiding Judge Marlo A. Magdoza-Malagar hinggil sa pagbasura sa petisyon ng Department of Justice na ideklarang terrorist organization ang CPP-NPA.

Ayon kay Badoy, ang kaniyang inihayag ay patas na kritisismo sa isang mali umanong desisyon.

Hiniling ni Badoy sa Supreme Court na ideklara siyang not guilty sa kasong indirect contempt.

Iginiit ni Badoy na hindi maituturing na paglabag sa clear at present danger rule ang kanyang inihayag sa social media.

Una nang nagbabala ang Supreme Court laban sa pag-uudyok ng karahasan laban sa mga hukom at sa kanilang pamilya na ituturing anila na contempt na may karampatang parusa. Teresa Tavares