Badoy pinuri ng NTF-ELCAC sa pagiging ‘active citizen’

Badoy pinuri ng NTF-ELCAC sa pagiging ‘active citizen’

September 29, 2022 @ 6:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang dati nitong tagapagsalita na si Lorraine Badoy dahil sa pagiging aktibong kontribusyon nito sa grupo kahit na pribadong mamamayan na lamang ito.

“We commend her active position as a champion for NTF-ELCAC in her own private capacity,” anang NTF-ELCAC sa isang statement.

“[NTF-ELCAC] wouldn’t have been able to accomplish its many remarkable gains if not for the Filipino people, both from the government and private sector, who have courageously and tirelessly championed for the advocacy of this coalition,” dagdag na pagdidiin ng NTF-ELCAC.

Matatandaan na kamakailan ay pinuna si Badoy makaraang magbigay siya ng kritisismo kay Manila court Judge Marlo Magdoza-Malagar sa pagbabasura ng petisyon na ideklarang terrorist group ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Kung babalikan rin, pumalag ang Korte Suprema sa ginawang ito ni Badoy.

“The Court sternly warns those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families, and this shall likewise be considered a contempt of this court, and will be dealt with accordingly” pahayag ng Supreme Court.

Mabilis namang itinanggi ni Badoy na pinagbantaan niya si Malagar.

“I did not threaten anybody. Lalo na ‘yung judge. Walang threats ‘yan,” ani Badoy sa isang panayam sa radyo. RNT/JGC