Badoy sa banta vs RTC judge, ‘di palalampasin ng SC

Badoy sa banta vs RTC judge, ‘di palalampasin ng SC

October 3, 2022 @ 3:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tatalakayin muli bukas, Oktubre 4 ng Supreme Court (SC) ang kasong administratibo laban kay Loraine Marie T. Badoy ang dating spokesperson ng National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kaugnay ito sa pagbabanta ni Badoy laban kay Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Marlo A. Magdoza-Malagar, ang nagbasura sa petisyun ng Department of Justice (DOJ) na humiling na ideklarang mga terrorist organizations ang Communist Party of the Phil (CPP) at New People’s Army (NPA).

Nabatid na naka agenda sa enbanc session bukas ng korte suprema ang administrative case laban kay Badoy na A.M. No. 22-09-16-SC.

Motu proprio o sariling kusa ng Korte suprema ang pag iimbistiga kay Badoy na nag akusa kay Judge Malagar na nag aabugado sa CPP-NPA at nagpahayag na kung papatayin niya ang judge ay dapat maging magaan din sa kanya ang korte.

Una nang binalaan ng SC ang sinuman na magbibigay ng anumang banta sa mga hukom na mahaharap sa parusang contempt of court. Teresa Tavares