Badyet ng Hudikatura para sa 2023 lusot agad sa plenary level

Badyet ng Hudikatura para sa 2023 lusot agad sa plenary level

November 15, 2022 @ 2:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Agad na inaprubahan ng Senado nitong Martes ang proposed budget ng Hudikatura para sa 2023 sa plenary level.

Ito ay kasunod ng hindi pagtutol ng mga senador sa budget ng kanilang katumbas na branch ng ahensya.

Sinabi ni Senator Sonny Angara na ang budget ng Hudikatura sa ilalim ng Senate finance committee report ay may halagang P53.370 billion.

Mas mataas ito nang bahagya sa P52.72 billion na inilaan para sa Hudikatura sa 2023 sa ilalim ng National Expenditures Program.

Saklaw sa budget ng Hudikatura ang pondo para sa Supreme Court, lower courts, Presidential Electoral Tribunal, Sandiganbayan, Court of Appeals, at Court of Tax Appeals.

Sinabi ni Angara na inihayag nina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senators Francis Escudero, Raffy Tulfo, Francis Tolentino, Mark Villar at Nancy Binay ang suporta para sa budget ng Hudikatura. RNT/SA