Bae-by Baste, na-ospital dahil sa dengue

Bae-by Baste, na-ospital dahil sa dengue

July 12, 2018 @ 10:36 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kasalukuyang naka-confine sa ospital ang child star na si kilala bilang Bae-by Baste matapos siyang ma-diagnose na may dengue.

Kahapon napag-alaman ng manager ni Baste na dalawang araw nang nilalagnat ang bata kaya agad itong isinugod sa ospital.

Lumabas sa resulta ng test sa dugo ni Baste na positibo ito sa dengue.

Sa Instagram post, humingi ng tulong ang ina ni Baste para sa mabilis na paggaling ng child star pati na rin ng kapatid nitong napag-alamang nilalagnat din.

Nagpaabot naman ng suporta ang mga netizens sa post ng ina ni Baste na makikitang nagpapahinga sa kama ng ospital.

Sabi ng Instagram user na si lexi_makazhai sa comment, “Praying for fastest healing to baby baste @iambaebybaste be strong sis GOD is our healer have faith everything will be OK we miss u baby baste.”

Maging ang actor na si Alden Richards ay nangamusta sa kalagayan ng bata. (Remate News Team)

View this post on Instagram

Morning call from Kuya @aldenrichards02 kay nangumusta❤️

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on